Calendar
Metro
Mag-ina inambush sa Makati; nanay nasawi, anak sugatan
Edd Reyes
Aug 4, 2026
226
Views
TODAS ang 63-anyos na ina habang sugatan ang kanyang anak na babae ng pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin noong Lunes sa Makati City.
Hindi na umabot ng buhay sa Makati Medical Center ang senior citizen sanhi ng mga tama ng bala sa katawan habang patuloy na nilalapatan ng lunas ang 26-anyos niyang anak.
Sa ulat ni Makati police chief P/Col. Pedro Alagano, Jr kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco, naglalakad ang mag-ina sa Makati Avenue dakong alas-6:46 ng gabi ng pagbabarilin ng suspek sa kanto ng Durban St. sa Brgy. Poblacion.
Mabilis na naglakad palayo ang suspek na nakasuot ng denim short pants, puting t-shirt at sapatos, bitbit ang ginamit na armas.
MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang
Nov 4, 2026
6-ANYOS NAGULUNGAN NG SUV SA PORT AREA, DEDO
Nov 4, 2026
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026

