Martin1

House Speaker Martin G. Romualdez naniniwalang ang P5.26 trillion 2023 national budget ang magpapabangon sa ekonomiya ng Pilipinas     

Mar Rodriguez Dec 5, 2022
198 Views

NANINIWALA si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romuldez na ang pag-apruba ng Bicameral Conference Committee (BICAM) sa panukalang P5.26 trillion 2023 national budget ang muling magpapabangon at magpapasigla sa ekonomiya ng Pilipinas.

Ipinahayag din ni Speaker Romualdez na ang P5.26 trillion national Budget para sa susunod na taon ang magpapanatili sa Pilipinas sa landas ng economic growth at magpapasigla sa larangan ng kalakalan at negosyo.

Ang naging pahayag ng House Speaker ay kaugnay sa isinagawang BICAM sa pagitan ng mga miyembro ng Kamara de Representantes at Senado sa Manila Golf Club upang aprubahan ang House at Senate version ng national budget para sa susunod na taon.

Si AKO Bicol Party List Cong. Elizady Co, ang Chairman ng Appropriations Committee samantalang si Sen. Juan Edgardo “Sonny” Anagara naman ang Chairman ng Senate Finance Committee.

Sinabi ng House Speaker na ang bersiyon ng House Committee on Appropriations at Senate Committee on Finance sa 2023 proposed national budget ang susuporta sa eight-point socio-economic program o agenda na inilatag ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kaniyang State of the Nation Address (SONA).

“With this budget, which is the first full-year spending plan proposed by the President. We hope to hasten our economic growth, which would benefit the Filipino people,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ayon pa sa House Speaker, nakapaloob sa panukalang 2023 national budget ang pagpapatuloy ng mga programang makatutulong sa mga Pilipinong mahihirap. Kabilang na dito ang bilyong pisong financial aids, medical assistance, transportation, educational at burial assistance.