BBM2

PH pinagpala sa kabila ng kinakaharap na hamon—PBBM

125 Views

PINAGPALA umano ang Pilipinas sa kabila ng mga hamong kinakaharap nito.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Christmas Tree Lighting ceremony sa Malacañan Palace.

“I always have believed that Christmas is really for the children and so we have made, done everything that we can to make sure that every child, every Filipino child has a Christmas,” ani Marcos.

“And that is something that I think is a good goal for us this Christmas, since we have been blessed, all of us, despite all of the challenges we have faced, here we are, we have all been blessed,” sabi pa ng Pangulo.

Nagpasalamat si Marcos sa Christmas Tree Lighting event na nakakapagpagaan umano ng pakiramdam.

“Dahil iba talaga ang pagdiriwang ng Pasko pag nasa Pilipinas ka. Wala ka nang makikita na kahit saan sa buong mundo na mas masaya na tao kapag nagka-Pasko at lalong lalo na para sa mga bata,” dagdag pa nito.