Vic Reyes

Huwag mawalan ng pag-asa

Vic Reyes Nov 30, 2025
283 Views

ISANG masayang araw sa lahat ng ating mambabasa.

Nawa’y nasa ligtas at mabuti kayong kalagayan.

Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina Ma. Theresa Yasuki, Aimi Houchii, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Chato Coronel, Yoshiko Katsumata, Endo Yumi, Roana San Jose, Lorna Pangan Tadokoro, Hiroki Hayashi, Winger dela Cruz, at Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman at Jess Manuel ng Saudi Arabia.

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)

***

Sa kagustuhang higit pang mapaganda ang serbisyo sa aduana, iba’t ibang programa at proyekto ang ipinatupad ni Commissioner Ariel Nepomuceno ng Bureau of Customs (BOC).

Ngayon nga ay gustong malaman ng mabilisan ni Commissioner Nepomuceno ang mga reklamo, suhestiyon at ibang concerns ng waterfront stakeholders.

Kaya ilulunsad ng ahensya ang “Isumbong kay Commissioner,” ang official online platform ng BOC, na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF).

“It is designed to streamline, expedite and enhance the transparency of receiving and addressing public complaints and concerns related to customs services and operations,” ayon kay Nepomuceno.

Online platform “is modeled after the highly-successful ‘Isumbong sa Pangulo’ ng Office of thePresident (OPS).”

Libu-libong sumbong ang natatanggap ng“Isumbong sa Pangulo” mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Agarang naa-aksyunan ng mga ahensya ng gobyerno ang mga reklamong ito dahil may mga nakatutok na lingkod-bayan sa online platform.

Naniniwala tayo na ganyan ang gusto ni Commissioner Nepomuceno para malaman niya ang mga problema ng waterfront stakeholders.

Isa itong paraan para labanan ang graft and corruption sa aduana.

Papalitan ng “Isumbong kay Commissioner” ang kasalukuyang BOC’s complaints e-mail (complaints@customs.grov.ph).

“All the complaints filed through the platform will be automatically endorsed to the Office of the Commissioner (OCOM), ensuring prompt evaluation and appropriate action at the highest level,” ayon sa BOC.

Ang “Isumbong kay Commissioner” ay isang “proof” na ang ahensya ay “open to clearer, faster and more honest communication with the public.”

Kagaya ng sinabi ni Commissioner Nepomuceno, ang gusto nila ay marinig ang mga reklamo ng publiko para ma-aksyunan nila ang mga ito.

Ang kailangan lang iparating ng taumbayan ang kanilang mga hinaing.

Tama ‘yan! Kung hindi natin ipapaalam ang ating mga problema sa mga kinaukulan ay walang mangyayari.

***

Ngayong araw na ito, Lunes, ay Disyembre 1 na.

Sa totoo lang, magsisimula na ang Christmas parties sa iba’t-ibang opisina, pribado at pampubliko.

Dito magkakaroon ng “exchange gifts” ang mga opisyal at empleyado.

Makakalimutan na naman natin pansamantala ang marami nating problema, lalo na ang “rising prices ng lahat ng bilihin.”

Kahit maraming problema, huwag tayo mawalan ng pag-asa.

Tama ba kami, PangulongFerdinand R. Marcos Jr.?

***

ANG mahalaga ngayon ay malampasan ng administrasyon ni Pangulong Marcos ang mga problemang idinudulot ng mga “destructive critics.”

Mabuti nga at “cool na cool” si PBBM.

Ang mahalaga ay makapagsilbing mahusay sa taumbayan, lalong-lalo na sa mga mahihirap sa buong bansa.

Pabayaan na lang niya ang mga kritiko. Huwag lang sila maging marahas dahil nandiyan naman ang mga batas natin.

Puwede naman silang mag-protesta hanggang gusto nila. Pero daanin lang nila sa mapayapang paraan.

Ibang usapan na kung gagamit sila ng dahas para makamit ang kanilang mga balak.

Hindi inutil ang gobyerno. May mga legal na paraan para sila mapanagot.

Hindi ba, DILG Secretary Jonvic Remulla ng Cavite?