Pangarungan

Ilang lugar sa Maguindanao, Lanao del Sur isinailalim sa Comelec control

215 Views

ILANG bayan sa probinsya ng Maguindanao at Lanao del Sur ang isinailalim sa kontrol ng Commission on Elections (Comelec).

Ito ang mga bayan ng Buluan, Datu Odin Sinsuat, Datu Piang, Mangudadatu, Pandag, at Sultan Kudarat sa Maguindanao at Marawi City at Maguing sa Lanao del Sur.

Nauna ng isinailalim sa Comelec control ang mga bayan ng Tubaran at Malabang sa Lanao del Sur.

Ayon kay Comelec chairman Saidamen Pangarungan ginawa ang hakbang batay sa rekomendasyon ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Comelec Regional Office.

Isinasailalim sa Comelec control ang isang lugar upang makagawa ng mga hakbang ang mga ahensya ng pamahalaan para makapagsagawa ng maayos na halalan.