Biktima

Imburnal sa Munti may nakabarang bangkay

Edd Reyes Aug 28, 2026
116 Views

HINDI basura kundi bangkay ng hindi pa kilalang lalaki ang nakitang nakabara sa imburnal sa ilalim ng isang tulay noong Huwebes sa Muntinlupa City.

Nadiskubre ang bangkay dakong alas-9:00 ng umaga ng isang residente sa Brgy. Bayanan habang nangingisda sa pagitan ng kanilang barangay at Brgy. Alabang.

Nang magresponde sa lugar ang mga tauhan ni Muntinlupa police chief P/Col. Olivia Ancheta, kasama ang Muntinlupa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), nahirapan silang makuha ang bangkay dahil nakabara na ito sa imburnal.

Kinailangan pang butasin ng mga tauhan ng CDRRMO ang ang bangketa upang maayos nilang makuha ang bangkay ng lalaki.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis upang makilala ang bangkay at kung may karahasan sa pagkamatay ng biktima.