Paresan Sakop ng Barangay San Grogorio, San Pablo City kung saan naganap ang pamamaril na may puwesto sa isang lugar doon. Kuha ni GIL AMAN

Ina, 11 buwang gulang na anak niratrat sa paresan, tigok

Gil Aman Aug 9, 2025
280 Views

PATAY ang isang 30 anyos na ina at 11 months na babaeng anak nito, habang sugatan ang isa pang nanay na 56 anyos matapos ratratin Biyernes ng gabi sa loob ng paresan sa Brgy. San Gregorio, San Pablo City, Laguna.

Kinilala ni P/Lt.Col. Redentor Tirana, hepe ng San Pablo City police station, ang nasawing ina na si Catherine at ang anak nito na si Rhea.

Base sa imbestigasyon, ang mag-ina ay nasawi matapos isugod sa Pagamutang Panlalawigan ng Laguna dahil sa malubhang tama ng bala mula sa kalibre .45 na pistol.

Kasalukuyang nilalapatan mula sa tama ng bala sa balikan at bahagi ng paa ang nanay ng nasawi na kinilalang si Mercelita.

Sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng San Pablo Police, dakong 7 ng gabi nang maganap ang pamamaril ng hindi kilalang suspek samantalang nagmamantine ng kanilang paresan sa nasabing lugar.

Kumakain ng pares ang magiina ng biglang dumating ang hindi kilalang suspek sakay ng motorsiklo.

Sinabi ng isang saksi ng makababa ang suspek na walang babalang pinutukan ang mga biktima hanggang sa bumulagta.

Nagtamo ng ilang tama ng bala ang ginang gayundin ang kandong na babaeng sanggol at tinamaan din ang
magulang nito sa kanyang balikat at kanang braso.

Matapos ang pamamaril, mabilis tumakas ang dalawang suspek patungo sa Maharlika Highway papunta ng Tiaong,Quezon.

Ayon kay PLT. Tirana, may lead na silang sa motibo ng pamamaslang subalit hindi muna nito puwedeng reveal habang masisi pa ang isinasagawang imbestigasyon.

Sinabi pa ni Tirana, na halos isang buwan pa lamang kabubukas ng paresan ng mag-ina sa lugar.

Kasong double murder at frustrated murder ang isasampang kaso sa mga suspek na tumakas kung saan nagsasagawa ng dragnet operation ang imbestigador.