Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Metro
Ina ng winner na atleta sinaktan ng kampo ng talunan, sugatan
Jon-jon Reyes
Aug 25, 2025
508
Views
SUGATAN ang ina ng isang taekwondo athlete nang lusubin at atakihin ng mag-asawa at kasambahay na taekwondo athlete din sa Ninoy Aquino Stadium sa Adriatico St., Malate, Maynila.
Napag-alaman na magkalaban sa tournament ang anak ng biktima na si alyas Jenny at anak ng lumusob na mag-asawang sina Jonathan at Janelle na ginanap sa stadium.
Nanalo ang anak ng biktima kaya napabulong habang nanalangin pero iba ang pagkakaunawa ng mag-asawa at ng kanilang kasambahay.
Doon na nagalit ang mag-asawa at nagmura sa biktima subalit hinayaan lang ng biktima.
Habang pauwi ang biktima hinarang siya ng mag-asawa, kinompronta at sinaktan saka tumakas.
Hawak ng Manila Police District General Assignment Investigation Section ang kaso.
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
2 motor nagbanggaan, 3 sugatan
Nov 3, 2026
Pagnenegosyo sa QC pinadali, pinakonti dokumento
Nov 3, 2026
Pulis tigok matapos matisod, baril pumutok
Nov 3, 2026

