Job Fair

Job fair sa Manila pinagkaguluhan

Edd Reyes Aug 25, 2025
422 Views

DINUMOG ng mga naghahanap ng trabaho ang mega job fair sa Maynila noong Lunes sa 5th floor west wing ng SM Manila.

Ayon kay Mayor Isko Moreno Domagoso, pinangasiwaan ng Public Employment Service Office (PESO) ang job fair bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Heroes’ Day na nilahukan ng 30 lokal at pitong international companies.

Umabot sa halos 4,000 trabaho sa pananalapi, pagpapadala, logistics, pagkain at inumin, tingian, encoding, teknikal na kaalaman at marami pang iba ang inalok sa job fair na nagsimula alas-10:00 ng umaga.

Sinabi ni PESO Acting Manager John Hiroshi Umeda Jr. na kabahagi sa job fair ang Social Security System, PhilHealth, Pag-Ibig, National Bureau of Investigation (NBI) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Anim–tatlo sa fastfood, dalawa sa encoding at isa sa sales–ang na hire-on-the-spot sa unang oras ng job fair.