Pic7 Ayon kay Police Major Dave Garcia, patuloy silang nagsasagawa ng imbestigasyon ukol sa bangkay na natagpuan sa sapa sa Sta. Ana, Maynila. JONJON C. REYES

Inakalang lumulutang na basura, bangkay pala

Jon-jon Reyes Jul 9, 2026
19 Views

Pic5Pic6INAKALANG tumpok na basura ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Buhangin Creek na matatagpuan sa Barangay 893, Sta. Ana, Manila, Miyerkules ng umaga,.

Ayon sa report ng pulisya, ang lalaki ay humigit-kumulang nasa edad 40 hanggang 50 taong gulang, katamtaman ang pangangatawan, at walang suot na pang-itaas.

Bandang 7:56 ng umaga, nitoong Hulyo 8, 2026 nang matuklasan ng saksi ang biktima.

Agad rumesponde ang MPD Sta Ana Station 6 Punta PCP Commander sa pamumuno ni PCpt. Bernardo D. Diego kasama sina PSSg Ryan Corpuz at Pat John Carlo Orro at inireport ang insidnete sa Homicide Section ng MPD.

Ayon sa paunang imbestigasyon, isinalaysay ng saksing security guard sa Paceer security outpost sa Buhangin Creek na nagsasagawa siya ng inspeksyon nangmakita niya ang bangkay sa gilid ng sapa.

Habang nagsasagawa ng inspeksyon, napansin niya ang isang walang buhay na katawan ng isang hindi pa nakikilalang tao na palutang lutang at nakataob malapit sa gilid ng sapa.

Ang bangkay ay bahagyang napalibutan ng basura.

Agad ipinagbigay-alam ng saksi sa kanyang mga kasamahan ang natuklasan.

Pinaniniwalaang inanod ng tubig ang bangkay mula sa ibang lugar.