Calendar
Photo: QCPD PIO
Metro
Triker na nag-exhibition sa kalsada kilala na ng QCPD
Melnie Ragasa Jimena
Jul 9, 2026
240
Views
NAKILALA na ng Quezon City Police District (QCPD) ang tricycle driver na nag-viral sa social media matapos umanong mag-exhibition sa kahabaan ng Congressional Avenue sa Quezon City noong Hulyo 6.
Kinilala ng pulisya ang driver na si Romar, 41, residente ng Barangay Culiat, matapos magsagawa ng imbestigasyon ang District Traffic Enforcement Unit sa tulong ng mga opisyal ng Luzon TODA.
Sa beripikasyon, lumitaw na colorum o hindi rehistrado ang minamanehong tricycle nito. Nabigo rin ang tsuper na magpakita ng lisensiya sa pagmamaneho at paso na ang Official Receipt ng motorsiklo.
Isinailalim na sa imbestigasyon ng Quezon City Tricycle Regulatory Division ang driver at ang kanyang sasakyan para sa isasampang kaso.
MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang
Nov 4, 2026
6-ANYOS NAGULUNGAN NG SUV SA PORT AREA, DEDO
Nov 4, 2026
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026

