Calendar
Metro
Lalaki tiklo sa pagbebenta ng sumpak
Edd Reyes
Jul 9, 2026
229
Views
ARESTADO ang isang vendor ng matuklasang nagbebenta ng sumpak sa kanyang mga parokyano noong Miyerkules sa Malabon City.
Itinawag kay Malabon City police Officer-in-Charge P/Col. Kenneth Mission ang pagbebenta ng sumpak ng suspek sa Brgy. Longos kaya’t nagresponde sa lugar ang mga pulis.
Napuna ng suspek ang pagdating ng mga pulis at sa pagmamadaling tumakas, lumantad ang bahagi ng sumpak na nakalagay sa eco bag kaya pinigilan ng mga pulis ang suspek hanggang makuha ang dalawang improvised shotgun.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang
Nov 4, 2026
6-ANYOS NAGULUNGAN NG SUV SA PORT AREA, DEDO
Nov 4, 2026
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026

