Paulo Avelino Mga larawan mula sa IG/@imjanedeleon at @pauloavelino

Jane de Leon bet si Paulo Avelino

172 Views

PRANGKAHAN at super kilig na inamin ng aktres na si Jane de Leon na mayroon siyang crush sa aktor na si Paulo Avelino.

Sa isang panayam sa “Star Magic Celebrity Conversations” kasama ang host na si Kiara Takahashi, ibinuking ni Jane ang sarili na nais niyang makatrabaho si Paulo dahil sa husay nito bilang aktor na siyang naging dahilan niya para maging crush.

Sey pa ng “Darna” star, muntikan naman na raw niya makatrabaho ang bet niyang aktor at alam din ni Paulo na may crush si Jane sa kanya.

“Ito po kasi talaga, muntik na muntik ko na siyang makatrabaho. Crush ko kasi talaga siya si Paulo Avelino. Alam niya ‘yon,” pahayag ng aktres.

Pinuri pa nga ni Jane ang aktor at sinabing napaka husay nitong artista.

“Kasi given na ‘yung may looks siya, kaya ko siya nagustuhan kasi napakagaling niyang artista,” sey ni Jane.

“‘Yon ‘yung reason kung bakit gusto ko rin siyang makatrabaho. Hindi lang porket crush ko siya, syempre hinahangaan — magaling kasi siyang artista,” dagdag pa ng aktres.

Nagbitaw naman ng pabirong hirit si Jane para sa aktres na si Janine Gutierrez na usap-usapang may “something” with Paulo matapos sagutin ang tanong.

“Parang kinakain ako ng upuan. Ah, Janine, trabaho lang,” hirit ni Jane.