Donbelle Larawan mula sa IG/@donny

‘Can’t Buy Me Love’ ng DonBelle mabenta sa viewers

175 Views

TILA hindi pa nga makapaniwala ang aktor na si Donny Pangilinan na nasa top spot ang kakapalabas pa lamang na serye nila ni Belle Mariano na “Can’t Buy Me Love” sa streaming platform na Netflix.

Sa X (Twitter) account ni Donny nitong Linggo, Oktubre 15, inanunsyo niya ang baling top 1 sa top 10 in TV shows sa Netflix Philippines ang serye ng “New Gen Phenomenal Love Team” na DonBelle.

“NUMBER 1 ON NETFLIX WHAAAT,” sey ni Donny sa isang X post.

Sa isa pa niyang post ay nagpasalamat si Donny sa mga nanonood ng series kalakip ang isang larawan na makikitang number one ang “Can’t Buy Me Love.”

“Thank u guys we love u. Tomorrow on primetime!” pahayag ng aktor.

Sa Instagram story ni Belle, ibinahagi niya ang parehas na larawan at nagpasalamat sa na-achieve ng nasabing palabas.

“Maraming salamat po,” pahayag ni Belle.