Robi Mga larawan mula sa IG/@gretchenho at @iamrobidomingo

Gretchen Ho napagkamalang mapapangasawa ni Robi

125 Views

PABIRONG hampas na lamang ang naibalik ng TV host na si Robi Domingo sa isang contestant ng programang “It’s Your Lucky Day” matapos magkamaling ibang tao ang tinutukoy na mapapangasawa ni Robi.

Nagkaroon kasi ng moment ang lucky winner maging ang mga host na mag-shout-out.

“Shout-out ko nga pala ‘yung asawa ko. I love you!” sey ng contestant.

“Shout-out ko rin pala yung… Joke lang,” hirit naman ni Seth Fedelin na host din ng programa.

Matapos ang dalawa, shinout-out naman ni Robi ang kanyang fiancee na si Maiqui Pineda.

“Ako rin. Shout-out ko rin yung magiging asawa ko,” pahayag ni Robi.

Biglang pasok naman ng contestant at tinanong si Robi kung sinong tao ang tinutukoy na magiging asawa niya.

“Ah yung volleyball player?”

Nahampas ni Robi ang contestant at saka kinontra na iba ang tinutukoy nito.

“Iba yun. Wala na kami nun,” saad ni Robi.

“Ibabalik ko ‘to. Okay dahil diyan tanggal ang iyong pa-premyo. Joke lang,” pagbibiro pa niya sa contestant.

Matatandaang sina Robi Domingo at ang TV presenter na si Gretchen Ho ay naging dating magkasintahan. Si Gretchen ay dating volleyball player ng Ateneo Lady Eagles mula 2008 hanggang 2013.