Jessy Larawan mula sa IG/@luckymanzano

Jessy umaasang ‘di matitigil show ni Luis

109 Views

UMAASA ang aktres na si Jessy Mendiola na magtutuloy-tuloy ang noontime show na pinangungunahan ng kanyang asawa at aktor na si Luis Manzano.

Sa isang Instagram post ni Luis nitong Huwebes, Oktubre 26, inanunsyo niya na dalawang araw na lamang ang programang pansamantalang pumalit sa “It’s Showtime” na “It’s Your Lucky Day.”

“Ang huling 2 araw ng It’s your Lucky Day,” sey ng TV host-actor.

Nagpahayag naman ng pagsuporta ang celebrity mom sa show ng kanyang asawa at sinabing malilipat lang ng ibang oras ang pagpapalabas dito pero hindi ito titigil sa pag-ere.

“Magtutuloy tuloy yan! Ibang timeslot lang. Thank you sa pagpapasaya sa bawat ka-Lucky, howhow @luckymanzano We love you!” wika ni Jessy.

Bukod pa kay Jessy, nagbigay komento rin ang ina ni Luis at ang “Star for All Seasons” na si Vilma Santos.

“Proud of you son, also to your IYLD FAMILY!! SALAMAT SA 12 days!! BOW!” pahayag ni Ate Vi.

Maging ang ilang netizens ay nagbigay reaksyon din sa pagpapatuloy ng nasabing noontime show.

“Yes! Sana mag-continue. My mother loves your show. Aliw na aliw sya sa inyong lahat. Sana magka-slot before Showtime.”

“Congrats you made an impression… legit dabarkads ako peru I honor you for your clean humor.”

“Hindi ako nakakaramdam ng sadness, instead, excitement yung feeling ko behind kase alam naming hindi ito mawawala, lilipat lang ng time slot.”