Maricel Larawan mula sa IG/@officialmaricelsoriano

Maricel si Vice Ganda ang pinaka malakas na nasampal

186 Views

ISINIWALAT ng “Diamond Star” na si Maricel Soriano kung sinong celebrity na nakatrabaho niya ang pinaka malakas na nasampal niya.

Sa social media platform na X (dating Twitter), tinanong ng isang netizen ang “Linlang” star kung sino ang pinaka malakas na nasampal niya at sa tingin niya raw ay ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Sey pa ng Diamond Star, ito raw ang pinaka malakas dahil dumugo pa raw ito.

“Sino po ang nakatikim ng pinakamalakas niyong sampal? @officialmaryaph,” tanong ng netizen.

“I think si @vicegandako, dumugo eh!” sagot naman ni Maricel.

Matatandaang naging magkasama si Maricel at ang “It’s Showtime host” sa pelikulang “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” noong 2013. Mayroong isang eksena na nagalit si Maricel sa isa sa mga karakter ni Vice kaya niya ito nasampal.

Kamakailan lamang ay trending din ang pagsampal ni Maricel sa aktress na si Kim Chiu na inilarawan pa niyang parang baseball para sa serye nilang “Linlang.”

Nagbigay reaksyon at komento naman ang ilang netizens sa sagot ni Maricel.

“That scene from Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Ikaw kc Mark Jill pinag-araro mo si Girlie kaya si Peter na may karamdaman sa atay ang pumalit kaya ayan tuloy naospital.”

“Sana magsasama kayo uli sa sang pelikula.”

“That’s Meme Vice’s best film. Tatawa, iiyak, hahagalpak sa tuwa at maiinis kay Girlie! HAHAHAHAHAHA.”

“Hinde ba si dingdong nakailang sampal yon 20+ ata o 30+.”