Kris2 Larawan mula sa IG/@pauinfante at @krisbernal

Kris Bernal humagulgol sa pagbisita ng kaibigan

106 Views

NAGING emosyonal ang aktres na si Kris Bernal matapos siyang bisitahin ng kanyang kaibigan.

Sa kanyang Instagram stories nitong Biyernes, Oktubre 27, ibinahagi ng celebrity mom ang muli nilang pagkikita ng kaibigan na si Paulo Infante.

Sa IG story ni Paulo na ni-repost ni Kris, naikuwento nito na hindi pa niya nakikita ang aktres simula nang manganak ito kay Hailee Lucca.

Saad pa nito na proud siya na ngayong isang ina na ang kanyang kaibigan.

Inamin din ni Kris na hindi na siya nakakalabas ng bahay kaya’t nagiging emosyonal siya kapag may bumibisitang ibang tao sa kanya.

“I get ’emotionally happy/overwhelmed’ when friends or family visit me since I am usually unable to leave the house,” sey ng aktres.

“Thanks for those who genuinely care and checks up on me from time to time! I need you in this season!” dagdag pa niya.

“Missed you, friend! So bad! Please visit me more often!! I needed it! Love you!!” mensahe pa ni Kris sa kanyang kaibigan.

Matatandaang kamakailan lamang ay inamin ni Kris na araw-araw siyang umiiyak ngayong nasa postpartum state siya.

“It’s hard. It’s okay to talk about how hard this phase is. I cry every single day as it feels endless, and I feel alone. I miss my old life. I miss the old me,” wika ng aktres.

“Postpartum hit late on me. I was thriving during the first 5-6 weeks until I realized, paulit-ulit na lang at pagod na ako. I am human. It’s okay to be vulnerable. It’s okay to admit that I’m struggling,” saad pa niya.