Cong Larawan mula sa IG/@viycortez

Viy, Cong balik 2015 itsura

213 Views

PARA sa social media personality na si Viy Cortez ay bumalik ang kanilang itsura ng kanyang asawa at kilalang YouTube vlogger na si Cong TV sa taong 2015.

Sa Instagram page nitong Biyernes, Oktubre 27 ng vlogger mom, ibinahagi nito ang larawan nilang dalawa mula sa birthday celebration ni Cong.

“Parang 2015 na itsura namin hahaha loveyou mahal @thecongtv,” sey ni Viy sa caption ng kanyang post.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang body transformation nilang dalawa dahil sabay nilang tinahak ang kanilang weight-loss journey.

Matatandaang ibinahagi ni Viy sa social media ang kanyang pagiging proud sa malaking nabawas na timbang sa kanya matapos niyang manganak noong Hulyo para sa anak nila ni Cong.

“From 94klo pagkapanganak naging 60klo na ‘ko dahil sa pagtanggal ng rice pati pag babawas na din nga mga masasamang pagkain at pag-inom ng luxeslim (tipong nakain sila ng lomi tapos ako nakatitig lang) at ngayon panahon na para dagdagan ng exercise dahil lalawlaw na tayo mga mamshie,” sey ni Viy.

Ibinandera rin ni Cong kamakailan ang before and after ng kanyang body transformation sa loob lamang ng isang buwan.

“Nakakabilib kayang gawin ng isang buwan pag nagdecide ka talaga na may magbago. Excited na ako para sa one year!!” wika ni Cong.

Nagbigay reaksyon naman ang mga netizens sa hatid na kilig ng dalawa.

“The OG look.”

“Kung dati yan yung itsura nyo noong nasisimula palang kayo. Ngayon pang 2015 ulit yung mga face nyo pero ikakasal na kayo.”

“Hindi tayo pangit… mahirap lang tayo.”

“Yung mga feslak mih parang nag throwback Nung ligawan stage ninyo ni cong.. atab na atab Ang peg.. teenagers yern.”