Annabelle Mga larawan mula sa IG/@iloveruffag

Annabelle Rama ‘star-studded’ ang b-day party

247 Views

DINALUHAN ng iba’t ibang personalidad sa industriya ng showbiz ang birthday celebration ng aktres at talent manager na si Annabelle Rama.

Sa Instagram page ng kanyang anak at actress-beauty queen na si Ruffa Gutierrez nitong Biyernes, Oktubre 27, ibinahagi niya ang mga larawan ng dumalo sa pagdiriwang ng ika-70 kaarawan ng kanyang ina.

“Celebrating Mom’s birthday early,” pahayag ni Ruffa sa caption ng kanyang post.

“When she’s happy, we’re happy. When she’s upset we tell her to calm down then hide. We love you, Mother Dear! Happy Birthday!!” wika pa actress-beauty queen.

Ang ilan sa mga nagsipagdalo ay sina Sunshine Cruz, Bubbles Paraiso, Ogie Alcasid, Richard Gutierrez, Monching Gutierrez, Lorna Tolentino, at Herbert Bautista.

Binati naman ng ilang netizens si Annabelle mula sa nasabing post ni Ruffa.

“Omg ang ganda ganda ng magmudra, si mommy mukhang 40s, si ms ruffa mukhang 20s, gorgeous beauty.”

“Happy Birthday tita! you’re not aging at all! God bless!”

“Happy birthday sa kinagwapahan nga Cebuana Mam Anabel.”