Jinkee Larawan mula sa IG/@jinkeepacquiao

Jinkee susuportahan ‘anak sa iba’ ni Manny

139 Views

SINUSUPORTAHAN umano ng socialite at media personality na si Jinkee Pacquiao ang pagkakaroon ng love child ng kanyang asawa at boxer-politician na si Manny Pacquiao.

Napag-usapan ng comedian-actor at entertainment reporter na si Ogie Diaz sa kanyang vlog na “Showbiz Update” ang usap-usapang pagkakaroon umano ng anak sa iba ng Pambansang Kamao na kinilala bilang si Emmanuel “Emman” Pacquiao Jr.

Kamakailan lamang ay kumalat ang mga larawan ni Emman kasama si Manny na tila susundan ang yapak ng diumano’y ama niya sa pagiging boksingero. Base na rin sa mga larawan, kasama rin ni Emman si Manny sa pag-eensayo.

Ayon sa usapan nila Ogie, alam daw ni Jinkee ang isyu at ang naging mensahe umano niya rito ay suportado naman daw niya ang ginagawang pagsuporta ng asawa sa anak nito sa iba.

“So, aware si ano, Ms. Jinkee na merong?” pagtatanong ni Mama Loi.

“May anak sa iba si Manny?” pagpapatuloy ni Ogie.

“Oo, aware siya,” sagot pa ni Ogie.

“Nakakatuwa si Jinkee, dahil according to my source na kaibigan ni Jinkee, common friend namin ni Jinkee, sinabi daw ni Jinkee kay Manny Pacquiao na ‘go ahead, suportahan mo ’yan kasi anak mo ‘yan,'” wika ng comedian-actor.

“Kasi may picture si Emman at si Manny Pacquiao na magkasama. Kasi kung itinatago naman ni Manny yun, hindi siya magpapa-picture. At hindi siya makikipagkita siguro. At hindi niya dadalawin yung anak niya na nag-eensayo ng boxing,” dagdag pa niya.