akosilolitsolis Larawan mula sa IG/@akosilolitsolis

Lolit ‘di na makarampa, nade-depress sa ospital

115 Views

IBINAHAGI ng beteranang showbiz columnist na si Lolit Solis ang kanyang kasalukuyang health condition.

Sa kanyang Instagram page, nag-post siya ng isang larawan at nagkuwento sa caption ng kanyang nararamdaman.

Sey niya ay nararamdaman na ng kanyang katawan ang kahinaan at katandaan.

Naikuwento rin ng veteran columnist ang tumamang pneumonia sa kanya, dahilan para lalo siyang makaramdam ng panghihina.

“Salve talagang siguro hindi na kaya ng katawan ko rumampa masyado. Talagang feel ko na iyon weakness sa body ng isang 77 years old woman. Feeling lola na talaga,” saad ni Manay Lolit sa kanyang Instagram post.

“Grabe pa ang tumamang pneumonia sa akin. Bongga nga na nalagpasan ko lahat kahit hangga ngayon talagang hina parin katawan ko. Ayaw ko na nga halos tumayo sa kama at lagi na lang nakahiga,” dagdag pa ng showbiz columnist.

Inamin din ni Lolit na ayaw na niyang bumalik sa ospital dahil nakakaramdam siya ng depression.

“Pero talagang ayaw ko ng maulit ma hospital pa. Hindi ko type dahil nadi depress ako. Saka talagang mas comfortable ako sa bahay,” aniya.