Sara

Kahalagahan ng guro binigyan-din ni VP Sara

230 Views

BINIGYANG-DIIN ni Vice President Sara Duterte ang kahalagahan ng mga guro sa paghubog sa mga bata at sa kanilang patuloy na pagseserbisyo sa kabila ng limitasyong dala ng pandemya.

Ayon kay Duterte ang mga guro ang susi sa pagbubukas ng kaisipan ng mga mag-aaral.

Sa kanyang talumpati sa 66th Foundation Day ng Department of Education Naga City Teachers and Employees Association (DNACITEA) sa Camarines Sur, sinabi ni Duterte na ang mga guro ang nagsisilbing ikalawang liwanag na nasisilayan ng mga kabataan.

“During the pandemic, your efforts and honest struggles to withstand uncertainties are priceless. We know that you have weathered through challenges, but true to your advocacy, you have chosen to thrive,” dagdag pa ni Duterte.

Hindi umano matatawaran ang ginawa ng mga guro upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Binisita rin ni Duterte ang last-mile school sa Sitio Lipata, Barangay Gogon, sa Caramoan.

Sinabi ni Duterte na susuportahan nito ang pangangailangan ng sektor ng edukasyon upang mapataas ang kalidad nito.