Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Nation
Marcos admin doble-kayod para masaklolohan industriya ng asin sa bansa
Peoples Taliba Editor
Aug 30, 2022
608
Views
DOBLE-KAYOD umano ang Marcos administration upang matulungan ang lokal na industriya ng asin.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles tutulungan ng pamahalaan ang mga lokal na kompanya ng asin upang maging moderno ang kagamitan ng mga ito sa paggawa ng asin.
Sinabi ni Cruz-Angeles na mayroong mga hakbang na ginagawa ang mga ahensya ng pamahalaan upang mapalawak ang produksyon ng asin sa bansa.
Nauna rito, lumabas ang ulat kaugnay ng pangangailangan ng bansa na mag-angkat ng asin. Nagkaroon din ng pagtaas sa presyo nito bagamat sapat umano ang suplay nito.

