Calendar
Kahera timbog sa pangnenenok sa kita ng hotel
KALABOSO ang 24-anyos na babaeng kahera ng mabisto ng supervisor ang pangungupit sa kita ng hotel sa tatlong sunud-sunod na araw sa Pasay City.
Nadiskubre ang pagnenok ng kahera ng suriin ng supervisor ang hindi awtorisadong transaksyon sa internal system ng hotel noong Biyernes.
Gumawa ng pagsusuri kaya natuklasan ang kulang na P30,000 noong Miyerkules; P8,000 noong Huwebes at P17,000 noong Biyernes.
Nang komprontahin ng supervisor ang kahera dakong alas-9:45 Biyernes ng gabi, nadiskubre na nasa kanya pa ang P14,000 na bahagi ng nawawalang P55,000 na kita ng hotel.
Dinala ng supervisor at security personnel sa Pasay Police Baclaran Sub-Station 5 ang kahera na sila ng umaresto sa suspek.
Iniutos na ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco kay Pasay police chief P/Col. Joselito De Sesto na sampahan ng kasong qualified theft ang kahera sa Pasay City Prosecutor’s Office.
