Calendar
Kampanya ng PAGCOR at NBI vs illegal gambling pinapurihan ni Asistio
PINAPURIHAN ni Caloocan City 3rd District Representative Dean Asistio ang pinalakas na kampanya na magkatuwang na inilunsad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at National Bureau of Investigation (NBI) laban sa illegal gambling.
Nauna rito, nagkaloob ang PAGCOR ng P50 milyong halaga ng tulong pinansiyal para sa NBI para mas lalo pa nitong palakasin at paigtingin ang kampanya laban sa talamak na illegal na sugal lalo na ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Dahil dito, pagbibigay diin ni Asistio na bagama’t matagal ng ipinag-utos ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang pagbubuwag sa POGO. Subalit sabi nito na nananatili parin ang POGO operations kaya dapat lamang na maging mabagsik ang kampanya upang ito ay tuluyan ng mapuksa sa ilang lugar sa bansa.
Naniniwala naman ang kongresista na malaki ang maitutulong ng ibinigay na tulong ng PAGCOR para mas lalo pang mapalakas ang kakayahan ng NBI.

