Konsul

Diplomats’ dialog pinangunahan ng konsul heneral

21 Views

Konsul1

DUMALO sa forum na dinaluhan ng halos 300 bisita sa Ismaili Center ang Consular Corps ng Houston sa ilalim ng pamumuno nina Dean Kai Hennig at Executive Chief of Staff Marty McVey sa pakikipagtulungan ng UN Association-USA Houston Chapter.

Si Konsul Heneral Gunther Sales ay nagsilbing panelista sa “Dialogue with Diplomats: The Role of Modern Diplomacy.”

Dumalo din sa event sina Houston Mayor Pro Tem Martha Castex-Tatum, Harris County Judge Lina Hidalgo, Al-Karim Alidina at iba pang mga kinatawan ng lungsod at mga lider sibiko

Kasama sa panel sina Konsul Heneral Anna Hammarlund Blixt ng Sweden, Konsul Heneral Breno Dias da Costa ng Brazil at Honorary Consul ng Tunisia na si Adel Chaouch.

Tinalakay ni Konsul Heneral Sales ang mga prinsipyo at halaga na nagsisilbing batayan ng patakarang panlabas ng Pilipinas.

Ang matibay na pagtutok sa mga karapatan ng bansa, na isinusulong sa pamamagitan ng diyalogo at mapayapang paglutas sa lahat ng pagkakataon, ay muling pinagtibay ang determinasyon ng Pilipinas na itaguyod ang kapakanan ng mga Pilipino.