Calendar
Metro
Kelot na may baril, pinalabas kaaway sa bahay, inaresto
Edd Reyes
Jun 27, 2026
120
Views
ARESTADO ang 36-anyos na lalaki na nagwala sa harap ng bahay ng kaaway niyang obrero habang armado ng baril noong Biyernes sa Valenzuela City.
Batay sa ulat, nagtungo ang suspek sa harap ng bahay ng kanyang kaaway pasado alas-10:00 ng gabi at pinalalabas ng bahay ang construction worker kaya nabahala ang mga residente.
Rumesponde ang mga tauhan ni Northern Police District (NPD) director P/BGen. Benliner Capili na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Nakumpiska ng mga miyembro ng Valenzuela Police Sub-Station 2 sa suspek ang cal .22 revolver at tatlong bala.
Sasampahan ng mga kasong grave threat, alarm and scandal at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa Valenzuela City Prosecutor’s Office ang suspek.
2 ‘nangholdap’ ng helper huli sa Tondo
Aug 2, 2026
Suspek sa sexual assault inaresto
Aug 2, 2026
Salesdaly na wanted sa kasong gahasa, nasakote
Aug 2, 2026
5 nasawi sa nasunog na apartment sa Caloocan
Aug 2, 2026
Kahera timbog sa pangnenenok sa kita ng hotel
Aug 1, 2026
