Baril

Kelot na suspek sa pagpatay ng bebot sa QC arestado

362 Views

NAARESTO na ng mga pulis ang suspek sa pamamaril sa negosyanteng babae sa Quezon City noong Lunes.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Officer-in-Charge P/Col. Randy Glenn Silvio ang suspek na si alyas Jerald, 31, ng Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Batay sa report ni P/Lt. Col. Romil Avenido, hepe ng Batasan Police Station 6, matapos ang dalawang araw na imbestigasyon at pag-backtrack ng CCTV nakita ang suspek na pumasok sa isang bahay sa Block 1, Lot 22, Creekside, Pilot Area, Brgy. Commonwealth.

Nahuli ang suspek sa hot pursuit operation ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa ilalim ng P/Maj. Allan Rainier Cabral kasama ang mga tauhan ng police station 6 at at nadakip ang suspek.

Noong Lunes, Hunyo 23, napatay ng suspek ang babae habang naglalakad sa Steeve St. malapit sa Commonwealth Market, Brgy. Commonwealth.

Narekober mula sa suspek ang isang Glock .40 caliber pistol na kargado ng 10 bala.

Hindi idinetalye ng suspek ang motibo sa pagpatay sa ginang na ayon sa mga kapitbahay ay maraming pautang.

Inihahanda na ang mga kasong murder at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) laban sa suspek.