Calendar
Dead on spot ang biktima sa San Marcelino St,.Kalaw, makaraang pagsasaksakin ng suspek na agad din naaresto ng mga operatiba ng MPD SWAT, matapos magtangkang tumakas ito at nakorner sa paligid ng Paco Park,.Ermita Manila.
Kelot pinagsasaksak sa harap ng asawa, dedo
NAKATAKBO pa mula sa pinangyarihan ng krimen ang 32-anyos na lalaki bago bawian ng buhay,matapos tadtarin ng saksak habang natutulog sa tabi ng bangketa ng kanyang nakaalitan suspek martes ng gabi sa Panulukan ng T M Kalaw at San Marcelino Street Barangay 660 Ermita Manila
Nakilala ang biktimang si alyas Romnick,tubong Bicol, at residente ng Romualdez Street, Ermita, Manila.
Hindi na nagawang makaeskapo ng suspek matapos makorner ng mga tauhan ng Special Weapon’s and Tactics ( SWAT) sa paligid ng Paco Park.
Timbog ang suspek na nakilalang si alyas Jayson,35, Kalaw Street, Ermita.
Batay sa salaysay ng dalawang saksi, bago ang insidente noong Setyembre 2, 2025 bandang 9:00 ng umaga, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek.
Binantaan umano ng suspek ang biktima ng,’Babalikan kita,’ at agad umalis sa lugar.
Dakong 10:40 ng gabi ng nasabing petsa, nagpapahinga ang biktima kasama ang kanyang asawa, nang nilapitan siya ng suspek at pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Rumesponde agad ang nagpapatrolya na mga barangay tanod at humingi ng tulong sa MPD-SWAT. Nahuli ang suspek sa follow up operation.
Ang mga tauhan ng Lawton PCP sa pangunguna ni PMAJ Roderick Dismaya ay tumugon sa pinangyarihan at nagbigay ng seguridad sa lugar para sa pangangalaga ng mga ebidensya.
Bukod dito, dumating si PSSg Jayson Verzosa sa lugar bandang 11:40 ng gabi ng parehong petsa at agad na nagsagawa ng field inquiry para sa malalimang imbestigasyon. Kasabay ding dumating ang MPD SOCO sa pangunguna ni PCPT Rex Manlansing.

