Calendar
VM Chi Atienza binigyan ng trabaho sa kanyang tanggapan mga PWD
BILANG pagtugon sa pangakong bigyang kakayahang magkaroon ng angkop na trabaho sa tamang lugar ang sektor ng Persons with Disabilities (PWDs), malugod na tinanggap ni Vice Mayor Chi Atienza nitong Miyerkules ang mga bagong kawani sa kanyang tanggapan.
Mismong ang Public Employment Service Office (PESO) ang nag-indorso sa mga bagong kawani kay VM Atienza na magsisilbi sa iba’t-ibang gawaing administratibo at suporta sa kanyang tanggapan.
“I want to show to all that we are capable of and committed to giving meaningful employment to our brothers and sisters,” pahayag ng bise alkalde.
“When we welcome them here, we are not just giving them jobs, we are telling them that they are valued, welcomed, and an integral part of our city,” dagdag pa niya.
Sinabihan ni VM Atienza ang mga bagong kawani na ituring ang kanilang trabaho bilang isang malaking oportunidad patungo sa kanilang mas malawak at personal na ambisyon.
Personal para kay Atienza ang pagbibigay oportunidag sa mga PWDs lalu’t may dalawa siyang kapatid na may kapansanan na nagbigay sa kanya ng masidhing pang-unawa sa taglay na kakaibang kakayanan ng mga ito. “I know their potential, and I am excited to see them thrive here,” sabi pa niya.
Umaasa ang bise alkalde na sa ganitong pagbibigay ng oportunidad ng lokal na pamahalaan sa mga PWDs, magiging inspirasyon ito sa mga pribadong kompanya at iba pang institusyon na gayahin ang ganitong hakbang at magkaloob ng trabaho sa kanilang sektor.

