Calendar
Kita sa bazaar gagamitin sa paggawa ng mga silid-aralan — Aragones
NANGAKO si Laguna Gob. Sol Aragones na gagamitin sa pagpapagawa ng classrooms ang pagbebentahan ng mga preloved clothes at sapatos sa charity bazaar sa pangunguna ni Heart Evangelista na kumita ng P600,000.
Ganito ipinagdiriwang ng pulitiko ang birthday niya na sa halip ipagdiwang ang magarbong kaarawan, inihandog ang kita ng bazaar sa Kabalisahan Integrated National High School-Saray extension sa Pakil, Laguna.
Ang mga mag aaral, na pinagtiyagaan lamang gamitin ang nagsisilbing classroom na ang bubong ay mula tent, may kakulangan sa silid aralan.
Ang gagawing pansamantalang classroom ay gawa sa free fab materials.
Nais ni Aragones na maging komportable ang mga estudyante at makapagaral ng maayos habang hinihintay ang pagtatayo ng permanenteng gusali ng silid aralan.
Halos maiyak ang mga guro sa pagdating ni Aragones dahil sa pangakong pagpapagawa ng pansamantalang silid aralan.

