Calendar
Kritisismo ni VP Sara kay PBBM sumasalamin sa uri ng kanyang pamumuno—Kamara
TINULIGSA ng mga lider ng Kamara de Representantes si Vice President Sara Duterte sa sinabi nito na walang kakayanan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na pamunuan ang bansa.
Ayon kina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. at House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, si Duterte, na nasasangkot sa mga kuwestyunableng paggamit ng pondo, ang mayroong mahinang uri ng pamumuno.
“It’s Vice President Duterte, not President Marcos, who has failed as a leader. She mismanaged public funds and let the Department of Education (DepEd) fall apart under her watch,” ani Gonzales.
“The country’s disastrous performance in the PISA, showing a five- to six-year lag in learning competencies, is a direct result of her failed leadership,” dagdag pa nito, na ang pinatutungkulan ay ang resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment.
Sinabi ni Dalipe na mabuti na lamang at nagbitiw na si Duterte bilang kalihim ng DepEd.
“Her departure saved the education system from further decline. Under her, DepEd was in free fall, and the entire education sector suffered,” ani Dalipe.
“The appointment of President Marcos of Secretary Sonny Angara is a huge step toward repairing the damage she left behind,” pagpapatuloy nito.
Ang mahina umanong klase ng pamumuno ni Duterte ay kabaliktaran ng ipinakikita ni Pangulong Marcos sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa at ang pagtulong sa mga nangangailangang Pilipino.
“President Marcos is delivering where it matters—stabilizing the economy, fighting inflation, ensuring food security, and making sure the most vulnerable are provided with vital support. That’s real leadership, not the evasion and incompetence we saw from Duterte,” sabi pa ni Gonzales.
Kinilala rin ni Dalipe ang paglaban ni Pangulong Marcos sa interes ng Pilipinas sa West Philippine Sea at ang pagkondena nito sa ginagawa ng China sa mga mangingisda at sasakyang pandagat ng Pilipinas, samantalang si Duterte ay nananahimik lamang umano sa isyu at inaakusahan pa na pro-China.
“President Marcos is standing up for our country on the global stage, especially against China. His diplomatic efforts are a clear mark of strong, decisive leadership,” saad pa ni Dalipe.
Naniniwala ang mga mambabatas na ang mga pahayag ni Duterte ay ginawa upang pagtakpan ang mga isyung kinakaharap nito, partikular ang kuwestyunableng paggamit ng pondo ng bayan.
“The Vice President’s attack on the President is pure deflection. She’s the one who failed as a leader, and now she’s trying to shift the blame. The Filipino people see through this,” wika pa ni Gonzales.
Muli ring iginiit nina Gonzales at Dalipe ang kanilang suporta kay Pangulong Marcos at hinamon si Duterte na aminin ang kanyang mga pagkakamali sa halip na atakehin ang iba para mailigtas ang sarili.
“The truth is simple: President Marcos is leading with strength, while Duterte is running from accountability,” giit ni Dalipe.