Sara

Kumakalat na kasinungalingan sinagot ni VP Sara

169 Views

SINAGOT ni Vice President Sara Duterte ang kumakalat na kasinungalingan na ginagamit nito ang presidential chopper araw-araw sa kanyang pag-uwi sa Davao City.

Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na ang nais lamang nito ay ipahayag ang kanyang pagkalugod sa Pangulo na sumusuporta sa isang working mother at ipinakikita ang kanyang all-out support sa kanyang Bise Presidente upang mabilis nitong magampanan ang kanyang trabaho.

Sinabi ni Duterte na dapat ay mag-isip-isip ang gumawa ng post na itinutulak sa publiko ang ideya na ginagamit nito ang chopper para sa kanyang personal na pangangailangan.

“I believe that a person who can conjure a lie from an appreciation post that a helicopter is being used to go home every day, even giving in to the itch of maliciously suggesting that it is for personal use should seriously reflect on why he had to lie,” sabi ni Duterte.

Umaasa ang Ikalawang pangulo na makaka-alpas ang nag-post mula sa puot na nararamdaman nito at makakamit ang mas magandang bersyon ng kanyang sarili.

“I think that if this person can recognize his anger, he will be able to overcome his bitter and spiteful self. Hopefully, he becomes a better version of himself despite the cycle of hate that has enslaved him,” sabi ni Duterte.

Ang pagkakalat ng maling impormasyon ay nag-ugat sa pagbati ni Duterte sa kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung saan mayroong larawan ng presidential chopper.