Laguna Napailing si Sec Vince Dizon ng makita ang tinatayong ospital sa Sta l. Cruz na halos 6 taong nakatengga dahil sa kakulangan ng pondo.

Laguna binisita ng DPWH Sec

Gil Aman Apr 10, 2026
269 Views

STA CRUZ, Laguna–Binisita ni Department of Public Works and Highway (DPWH) Sec. Vince Dizon ang mga proyekto ng lalawigang ito kasama ang mga nakabinbin na gusali ng ospital na halos anim na taon nakatengga.

Ipinakita ni Gov. Sol Aragones ang mga pangunahing problema hinggil sa mga ospital tulad ng Laguna Medical Center na may isang gusali na halos puro poste lamang ang natapos matapos ang anim na taon.

Ayon kay Dizon, mas higit pa nitong bibigyan ng malaking pondo ang gusali ng ospital upang maalwan ang ginagawang hospital para sa mga pasyente.

Ipinakita rin ni Gov. Aragones ang depektibong gusali ng Laguna University na hindi na muna ipinagamit para sa kaligtasan ng mga estudyante.

Dahil dito, paglalaanan ng pondo ang gagawing gusali na pangangasiwa ni DPWH Regional IVA Director Carol Pastrana.

Nakatuon din sa kanyang pagbisita upang usisain ang ilang mga nakatengga g proyekto tulad bypass road na malaking tulong upang mabawasan ang kinakaharap sa trapiko sa Biñan City.