BI suportado kampanya vs POGOs
Feb 23, 2025
Mag-jowa wiz visible sa socmed mga ganap
Feb 23, 2025
Calendar

Nation
Laguna buhos-suporta sa BBM-Sara tandem
Peoples Taliba Editor
Mar 12, 2022
529
Views
SUPORTADO ng mga opisyal ng Laguna ang UniTeam tandem nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.
Sa pagpunta ng UniTeam sa kapitolyo ng Laguna, sila ay mainit na sinalubong ng mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Gov. Ramil Hernandez.
Si Hernandez din ang nagpakilala kina Marcos at Duterte sa isinagawang campaign rallys sa Santa Cruz, Laguna.
Naroroon din si Vice Governor Karen Agapay at ang 18 alkalde ng Laguna sa pangunguna ni provincial mayors’ league president Edgar Ramos ng bayan ng Pila.
Isang pananghalian din ang ibinigay ni Hernandez para sa UniTeam bago umalis ang mga ito para mag-motorcade sa Biñan at Santa Rosa City.