Property developers may tie-up sa 4PH program
Oct 11, 2026
Timpi na malala si host ki na OA
Oct 11, 2026
Calendar
Provincial
Laguna hospital nakatanggap ng incubator
Gil Aman
Jun 2, 2026
259
Views
NAGBIGAY ang pamahalaang panlalawigan ng Laguna sa General Cailles Memorial District Hospital sa Pakil, Laguna ng incubator na isa sa pangakong tinupad ni Gov. Sol Aragones noong Hunyo 1.
Gagamitin ng ospital ang incubator upang mapalakas ang pangangalaga sa mga bagong silang na sanggol.
Ipinagkaloob ang kagamitan sa pakikipagtulungan sa Laguna health team sa pangunguna ni Dr. Eric Tayag.
Nagbigay ng mahahalagang impormasyon si Dr. Tayag hinggil sa pangangailangan ng ospital para sa incubator upang mas mahusay na magamot ang mga bagong silang na sanggol.
Magbibigay din ito ng suporta sa mga premature babies at mga sanggol na nakararanas ng mga komplikasyong medikal matapos isilang.
61 pugante huli sa Calabarzon
Oct 11, 2026
Puregold-Sta. Cruz may bomba raw; walang sumabog
Oct 11, 2026
61 Pugante, Huli sa CALABARZON
Oct 11, 2026
Mag-jowa tiklo sa Batangas; P1M shabu, boga kubra
Oct 10, 2026
Boto ng mga katutubo, itinulak ng COMELEC sa Palawan
Oct 10, 2026

