Tanod File photo

Lalaki nanutok ng toy gun, arestado

Gil Aman Nov 22, 2026
94 Views

ARESTADO ang 33-anyos na lalaki na nanutok umano ng pekeng baril sa barangay tanod sa Brgy. Chrysanthemum, San Pedro City noong Sabado.

Sa ulat ng San Pedro City police, residente ng Ederadan St., Purok 2, Brgy. Magsaysay, San Pedro City ang suspek.

Kasong grave threat at paglabag sa RA 10591 ang isasampa sa suspek, ayon sa report.

Nanutok ang suspek ng 51-anyos na barangay tanod habang kasama ang ilang barangay tanod dakong alas-4:00 ng umaga, ayon sa report.

Tumutupad sa kanilang tungkulin bilang mga tanod sa kanilang lugar ng sitahin ang suspek na may kahina-hinalang gumagala sa lugar.

Pero imbes na makinig, dinukot ng suspek ang laruang baril at tinutukan si Villantes.

Matapos tutukan tumakas ang suspek subalit hinabol ang suspek kaya nabawi ang laruang baril saka sumailalim sa citizens arrest ang suspek.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek at sinampahan ng kaukulang kaso.