Saksak Source: File photo

Lalaki utas sa pananaksak ng misteryosong killer

Edd Reyes Nov 8, 2025
256 Views

TODAS ang lalaki ng pagsasaksakin ng hindi nakilalang salarin noong Biyernes sa Calamba, Laguna.

Nakatakbo pa ng ilang metro ang biktimang si alyas Rico pero humandusay din at natigok dahil sa mga saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Tumakas ang nag-iisang suspek patungo sa hindi batid na lugar at iniwan ang patalim sa pinangyarihan ng krimen.

Sa ulat kay Laguna police acting director P/Col. Jonar Yupio, naganap ang pananaksak dakong alas-11:30 ng gabi habang nakatambay ang biktima sa Purok 4, Bantayan, Brgy. 2, Calamba City.

Nauna ng sinita at itinaboy ng mga tauhan ng Barangay Public Safety Office (BPSO) si alyas Rico dakong alas-10:00 ng gabi habang nakatambay sa Sitio Tibag, Brgy. 2 dahil bawal tumambay ang hindi tagaroon.

Magsisilbi bilang complainant sa pagsasampa ng kaukulang kaso ang babaeng anak ng biktima na si alyas Trisha laban sa hindi pa kilalang salarin.