NWRB

Lebel ng tubig sa Angat mababa

162 Views

MABABA pa rin umano ang lebel ng tubig sa Angat dam, ang pangunahing pinagkukuhanan ng suplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig probinsya.

Ayon sa National Water Resources Board (NWRB) ang lebel ng tubig sa Angat dam ay nasa ibaba pa rin ng minimum operating level nito.

Mas konti umano ang tubig sa dam kumpara sa mga nagdaang taon.

Ang lebel ay nasa 177.93 metro samantalang ang minimum operating level nito ay 180 metro.

Upang matiyak umano na sapat ang suplay ng tubig sa 2023, dapat ay umakyat sa 212 metro ang lebel ng tubig sa Angat.