Munsayac

Scammer nagpakilalang staff ni VP Sara, arestado

91 Views

PINURI ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang pagkakaaresto sa isang lalaki na nagpanggap umanong staff ng Ikalawang Pangulo upang manghingi ng pera.

Ayon kay Atty. Reynold Munsayac, tagapagsalita ni Duterte, nagpasalamat ang Ikalawang Pangulo sa mabilis na pag-aksyon ni San Jose del Monte City Mayor Arthur Robes, kanyang mga staff at ng mga pulis kaya naaresto ang suspek na si Joel Calis.

Nagbabala rin ang kampo ni Duterte sa publiko laban sa mga nagpapakilala at nagpapanggap na tauhan ng OVP upang makapanghingi ng pera.

Nakatanggap umano ng tawag ang tanggapan ni Robes mula sa suspek na nanghihingi ng pera na gagamitin umano sa proyekto ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matulungan ang mga senior citizen, persons with disabilities, at solo parents ng Region 3.

Nakipag-ugnayan umano ang tanggapan ni Robes sa OVP ay doon nila nadiskubre na hindi totoo na staff ito ni Duterte.

Nagpakilala umano suspek na staff ng OVP sa mga pulis na dumakip sa kanya sa Sitio Gulod, Barangay Minuan, San Jose del Monte City.