Phivolcs

Leyte niyanig ng magnitude 4.2 lindol

154 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 4.2 ang yumanig sa Leyte ngayong Hunyo 27.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-9:39 ng umaga. Ang epicenter nito ay dalawang kilometro sa kanluran ng Villaba at may lalim na pitong kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity IV- Villaba at Tabango, Leyte

Intensity III- San Isidro, Calubian, Matag-ob, Kananga, at Leyte, Leyte

Intensity II- Capoocan, Ormoc City, at Palompon, Leyte; Naval at Biliran, Biliran

Instrumental Intensities:

Intensity IV- Calubian, Leyte

Intensity III- Kananga at Ormoc City, Leyte; Naval, Biliran

Intensity I- Carigara, Leyte