Baste

Davao City Mayor-elect Baste Duterte nanumpa sa tungkulin

152 Views

NANUMPA na sa tungkulin si presidential son at Davao City Mayor-elect Sebastian “Baste” Duterte.

Papalitan ni Duterte ang kanyang ate na si Vice President-elect Sara Duterte.

Pinangasiwaan ni Court of Appeals Associate Justice Loida Poasadas-Kahulugan ang panunumpa sa tungkulin ng nakababatang Duterte.

Nangako ang 34-anyos na mayor-elect na pagtutuunan ng pansin ang paglikha ng maraming trabaho sa lungsod at ang pangangalaga sa mga residente nito.

Bukod sa Vice President-elect, dumalo sa event sina Pangulong Rodrigo Duterte at dating may-bahay na si Elizabeth Zimmerman.

Samantala, ang running mate ni Mayor-elect Duterte na si incoming Vice Mayor Jay Melchor Quitain ay nanumpa na rin sa tungkulin at pinangasiwaan ito ni Judge Emmanuel Claudio Carpio ng Regional Trial Court ng Davao City.