MRT3

Libreng sakay sa MRT-3

145 Views

MAGBIBIGAY ng libreng sakay ang Metro Rail Transit 3 (MRT-3) sa mga babaeng pasahero sa Marso 8 bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Women’s Day

Libre ang pamasahe ng mga babaeng pasaherong sasakay ng tren mula 7 hanggang 9 ng umaga at mula 5 ng hapon hanggang 7 ng gabi.

Ayon kay MRT-3 General Manager Engr. Federico J. Canar, Jr., ang libreng sakay para sa mga kababaihan ay bilang pasasalamat ng linya sa papel ng mga ilaw ng tahanan sa pagsulong ng ating lipunan.

“Ang MRT-3 po ay patunay sa napakahalagang ambag ng mga kababaihan sa ating bansa. Ang karamihan po sa ating mga ticket sellers ay mga kababaihan, gayon na rin po ang iba pang kawani ng mga istasyon na nagtitiyak ng sapat at ligtas na transportasyon para sa mga pasahero araw-araw,” sabi ni GM Canar.

“Ang libreng sakay po ay ang aming maliit na paraan ng pagbibigay-pugay sa ating mga kababaihan,” dagdag pa ni GM Canar.