Calendar
Ligtas na siyudad kasama Balanga
COMPONENT CITY OF BALANGA, Bataan– Ang Balanga City ay pangatlong pinakaligtas na lungsod sa buong Pilipinas at buong mundo.
“Hindi ito tagumpay ng iilan. Tagumpay ito ng buong Balanga at Bataan,” para kay Mayor Raquel Garcia.
Base sa survey ng World Travel Index 2026 ang pagiging ligtas ng Balanga.
Ang findings na ito ng WTI ay pinatutunayan din ng lokal media na nakabase dito dahil makakapaglakad ka sa gitna ng gabi dito na walang kakaba-kaba at pag aalinlangan.
Bukod sa mga pulis sa pamumuno ni Col. Marites Salvadora, police director, ay nagroronda rin 24/7 ang mga marshal at tanod.
Pinasalamanatan din ni Mayor Garcia ang mga pulis, BFP, AFP, CPAOO, CDRRMO, City Health Office, HEMS, DILG, Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Francis Garcia, City Department heads sa pangunguna ni City Administrator April Atcheco, Gov. Joet Garcia at ang provincial government ng Bataan.
“Dahil sa inyo, mas panatag ang ating mga pamilya at mas maayos ang takbo ng ating minamahal na Lungsod ng Balanga,” sabi ni Mayor Garcia.

