Calendar
![Dolor](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/Dolor.jpg)
LILA iniulunsad sa OrMin
OR. MIN–Inilunsad noong Miyerkules ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang Focused Group Discussion on Enabling Violence-Free and Safe Spaces for Women and Girls na bahagi ng programang Pradyek LILA-Stop Gender-based Violence sa Tamaraw Hall ng provincial capitol.
Isa si Gov. Humerlito “Bonz” Dolor sa nagtatag ng programang Pradyek LILA noong Marso 19, 2024.
Layunin ng programa na paigtingin ang pagtataas ng kamalayan sa pagbabantay sa mga karapatan ng mga kababaihan at bata lalo na ang mga nakararanas ng pang-aabuso.
Ayon kay PSWD Officer Zarah Magboo, layunin din ng programa na wakasan ang karahasan laban sa kababaihan at mga bata sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba’t-ibang stakeholders.
Dumalo sa event ang mga kinatawan mula sa Calapan City, Naujan, Pinamalayan at Bongabong.