OFW

Lolong Fil-Am binugbog, nasawi

116 Views

OFW1

ISANG 77-anyos na Fil-Am na lolo ang namatay dahil sa matinding bugbog sa Walmart sa Virginia, USA.

Namatay si Bert Atienza sanhi ng blunt head trauma at ang paraan ng pagkamatay ay homicide, ayon sa Medical Examiner’s Office.

Namatay siya isang araw matapos pagtulungang bugbugin ng mga magulang ng menor-de-edad na empleyado ng Walmart.

Namimili ang mag-asawa sa North Military Highway matapos magsimba nang muntik na silang bundulin ng shopping cart ng 17-anyos na empleyado.

Nang sitahin ito ni lolo Bert at sabihing, “Halos nabangga mo ang asawa ko… at hindi ka man lang humingi ng tawad!” doon na nagsimula ang gulo.

Sa halip na humingi ng dispensa, nagalit ang supladong empleyado bago tumawag sa mga mga magulang na sina Erika Mitchell, 42; at Travis White, 44.

Hinarap nila ang biktima, sinuntok sa mukha at bumagsak sa sementong sahig at pinagsisipa pa nila hanggang sa tuluyang mawalan ng malay, ayon sa report.

Nahaharap sa kasong second-degree murder ang mag-asawa at sinampahan din ng hiwalay na kaso ang 17-taong-gulang na empleyado na tinanggal na sa trabaho ng Walmart.

Depensa naman ng abugado ni White, at isa lamang itong emosyonal na sitwasyon matapos silang tawagan ng kanilang anak.

Para kay Aling Josephine, ang asawa, huli na ang lahat.