DMW1

DMW binabantayan kalagayan ng mga Pilipino sa Saudi Arabia

Jun I Legaspi Sep 21, 2026
100 Views

INIULAT ng Department of Migrant Workers (DMW) na walang Pilipino ang naapektuhan sa mga pagsabog sa Riyadh noong gabi ng 18 Setyembre at umaga ng 19 Setyembre, matapos ang drone at ballistic missile attacks ng Houthi militants na tumarget sa kabisera at mga energy site sa kahabaan ng Red Sea coasts.

Patuloy na binabantayan ng DMW ang kalagayan ng mga Pilipino sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng Migrant Workers Offices (MWOs), katuwang ang Embahada ng Pilipinas at mga Konsulado.

Nakaantabay ang mga ito upang agad na makapagbigay ng tulong sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na mangangailangan ng assistance.

Pinapayuhan ang mga OFW na manatiling mapagmatyag at sundin ang mga abiso ng mga awtoridad sa Saudi Arabia. Ang sinumang nangangailangan ng tulong ay dapat makipag-ugnayan agad sa pinakamalapit na MWO o sa Embahada/Konsulado.

Mga Detalye ng Pakikipag-ugnayan:

• MWO Alkhobar
Labor Attaché Sulaiman Mutya
Telepono: +966562329926

• MWO Jeddah
Labor Attaché Fidel A. Macauyag
Email: mwo_jeddah@dmw.gov.ph
Telepono: +96569819720

• MWO Riyadh
Labor Attaché Dominador A. Salanga
Email: mwo_riyadh@dmw.gov.ph
Telepono: +966502850944

• Migrant Workers Offices Operations Support Bureau (MWOOSB)
Officer-in-Charge at Labor Attaché to Israel Geraldine Mendez
Email: oas-mwws@dmw.gov.ph
Telepono: (02) 8724-35-57

DMW Hotlines:

• 1348 para sa NCR
• 02 1348 para sa labas ng Metro Manila
• +632 1348 para sa overseas

Patuloy na magbibigay ng updates ang DMW hinggil sa sitwasyon. Ang mga OFW na nangangailangan ng agarang tulong ay hinihikayat na makipag-ugnayan sa mga nabanggit na tanggapan at hotlines.