Calendar
Lorenzana: Palawigin paggawa ng sariling armas
IDINIIN ni Secretary Delfin Lorenzana ng Department of National Defense (DND) na kailangan palawigin ang paggawa ng Pilipinas ng sarili nitong mga armas at kagamitan sa giyera.Nabanggit ito ni Secretary Lorenzana sa paglunsad ng modernong sasakyan na gawa ng isang lokal na tagagawa. Tinaguriang “Charlie,” ang sasakyan ay maaring magamit sa lahat ng lupain (all-terrain), isa rin itong four-wheel drive at maaring siyang ilipad ng isang helicopter.
Kakaiba ang Charlie dahil maari itong i-modify upang lagyan ng iba’t ibang mga kagamitan tulad ng rocket launchers, artillery, machine guns, pambomba ng tubig, at iba pa. Gawa ito ng Anos Research Manufacturing na kilala sa mga gawa nitong matitibay na truck ng bombero.
Binanggit ni Secretary Lorenzana na ang Charlie ay napagandang inisyatibang alinsunod sa Self-Reliant Defense Posture, isang programa ni dating presidente Ferdinand Marcos na nagnanais na idevelop ang lokal na industriya ng kagamitang panggiyera. Sabi ni Lorenzana na sa ngayon wala gumagawa ng mga ganitong kagamitan sa Pilipinas. Ang tangi lamang nating ginagawa ay mga bala, at kahit yaon ay kapos pa, dagdag pa ni Secretary Lorenzana.
Kamakailan, nagkaroon ng inisyatiba sa kongreso na palakasin ang SRDP. Isa sa mga layuninnito ay ang paglimita sa pagbili ng armas sa ibang bansa upang lumawig ang ating lokal na mga industriya ng armas. Ngunit hindi ito naisabatas, na siya namang ikinalungkot ni Lorenzana.
Ang paglunsad ng Charlie ay ginanap sa Camp Aguinaldo Grandstand. Minaneho ni Secretary Lorenzana ang sasakyan sa grandstand.