Baccay siniguro kaligtasan ng lahat ngayong Undas
Oct 31, 2026
Calendar
Metro
LRT-2 PANSAMANTALANG PINUTOL BIYAHE MATAPOS TAMAAN NG KIDLAT
Peoples Taliba Editor
Sep 22, 2026
140
Views
Pansamantalang hanggang Recto Station at Araneta Center-Cubao Station na lamang ang biyahe ng LRT-2 matapos tamaan ng kidlat ang catenary wire sa Antipolo Station nitong Martes, Setyembre 22, 2026.
Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), ipinatutupad muna ang provisional service habang inaayos ang pinsalang dulot ng lightning strike.
Dahil dito, ang mga tren ay bibiyahe lamang Recto hanggang Araneta Center-Cubao at pabalik, habang suspendido muna ang operasyon sa mga istasyong lampas dito.
Pinapayuhan ang mga pasahero na bantayan ang opisyal na social media accounts ng LRTA para sa mga susunod na abiso tungkol sa operasyon ng LRT-2.
2 lalaki ninakawan security agency, huli
Oct 30, 2026
Binata siningil sa P100K na utang, 3 tao minartilyo
Oct 30, 2026
Waiter huli sa 3 bilang ng statutory rape
Oct 30, 2026
